Wednesday, June 8, 2016

Aiza Seguerra to Fellow DDS: Sana wag naman tayo maging blind followers


The Singer-Actress Aiza Seguerra expressed her sentiments against fellow Duterte’s supporter who became one sided from their opinion, and urged her fellow Duterte supporters to respect other people to their opinion.

As a Duterte supporter, I would encourage na sana wag naman tayo maging blind followers. It will help our president kung hindi tayo one sided at marunong tayong magbigay ng respeto sa opinion ng iba instead of fanning the flames of hatred towards people who don’t share the same point of view or opinion.
Wala naman problema ipagtanggol si Tay Digong. Pero ayusin naman natin. Maging responsable naman tayo dahil dala dala natin ang pangalan niya. Read the whole article, not just headlines. Wag puro memes. Siguraduhin ninyo kung tama ang information ninyo. Intindihin ninyo kung talagang ganon nga ang ang gustong sabihin ng taong involved. Gusto nyong maging media ni Duterte? Then you have to be fair. Nagrereklamo tayo na biased ang media. Eh Kayo? Kaya niyo bang hindi maging biased? Yung iba nga sa inyo, ang tindi ninyong mangutya agad agad dahil lang hindi ninyo nagustuhan ang sinabi. Galit na galit tayo sa binabato kay Tay Digong eh minsan nauuna pa ang iba sa atin na mambato sa iba ng mas masasama pang salita dahil lamang iba sila ng pananaw. Yan ba yung pinagmamalaki ninyong pagbabago?

In the same way na sinasabi natin na alamin ang konteksto ng mga statements ni Tay Digong, gawin din natin yon para sa ibang tao. Hindi porke’t iba sa opinyon ninyo, aawayin niyo na. The more na nambabastos tayo, lalong nasisira ang pagtingin nila sa mahal nating presidente. There’s always a way of protecting and defending our President na hindi kailangan manira at mambastos ng kapwa. We cannot be blind followers na bibirahin nalang lahat ng hindi sangayon sa atin.
As much as gusto natin na pare-pareho tayo ng opinion about certain matters, imposible yon. At kung mag-aaway tayo at mag babastusan at mag rereklamo ng walang katapusan at maninira dahil lamang iba tayo ng pananaw, then there can be no peace. At yun ang ang unang-unang sinabi ni Digong nung nanalo siya. He wants us to be united kahit magkakaiba tayo ng opinion, relihiyon, ideology at paniniwala. Hindi lang ang mga political parties, hindi lang ang mga naging kalaban sa eleksyon kundi tayong lahat. Digong needs our help. We all want our COUNTRY to succeed. If we want CHANGE; WE HAVE TO WORK TOGETHER.

No comments:

Post a Comment