Tutol si outgoing Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Dinky Soliman sa panukalang ibaba ang edad ng mga kabataan na puwede nang ikulong.
Depensa ni Soliman, base sa pag-aaral ng mga dalubhasa ay hindi pa masyadong nauunawaan ng mga batang may edad na 12-anyos pababa ang tama at mali.
Aniya, sa pag-aaral ng US at Mexico, hindi solusyon ang pagpapakulong sa mga batang may edad na 12-anyos pababa dahil malaki ang epekto nito sa kanilang buhay.
Ang mga kabataan umanong 16-anyos pataas lamang ang mga nakakaalam kung tama o mali ang kanilang ginagawa.
Dagdag niya, posibleng ginagamit lamang ng mga sindikato ang mga kabataan na gumagawa ng krimen gaya ng pang-hoholdap, pagtutulak ng droga at iba pa.
Ipinanukala rin niya sa pamahalaan na ihiwalay ang piitan ng mga kabataang may edad 16 hanggang 21-anyos sa mga high profile inmates.
VIRAL ONLINE: Lasing na Nanutok ng Baril, Hinamon ng Barilan si President Duterte
ReplyDeletehttp://www.whoisjasonandallo.com/viral-online-lasing-na-nanutok-ng-baril-hinamon-ng-barilan-si-president-duterte/